^

PSN Palaro

ROS sa semis na; Alaska humirit pa sa Gins

Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(Mall of Asia Arena,

 Pasay City)

5:45 p.m. Talk N’ Text

vs San Mig Coffee

8 p.m.  Petron

 vs Barako Bull

 

MANILA, Philippines - Binalikat ni Beau Belga ang Rain or Shine sa hu­ling 1:23 ng labanan para sa 106-96 panalo laban sa Globalport at makapasok na sa semifinals sa PLDT-MyDSL PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ibinalik matapos masaktan ang tuhod ni JR Quiñahan, sinulit ni Belga ang pagkakataon nang angkinin ang anim na sumu­nod na puntos matapos dumikit sa dalawang puntos ang Batang Pier, 98-96.

Ang kanyang tres ang nagbigay ng limang puntos na abante bago nasundan pa ito ng tatlong free throws na pumagitna sa steal  upang bigyan ni Belga ng 104-96 kalamangan ang koponan sa huling 22.1 pu­ntos.

Tumapos ang 6’6 center taglay ang 17 puntos bukod sa apat na steals at ang tropa ni coach Yeng Guiao ay umabante na sa best-of-seven semifinals matapos kunin ang ikawalong sunod na panalo.

“Globalport kept coming back. I thought they would give up in the third quarter,”  wika ni Guiao na pumasok sa labanan bitbit ang twice-to-beat advantage matapos kunin ang ikalawang puwesto sa elims.

Ang Elasto Painters ang nagdikta sa kabuuan ng laro at sa ikatlong yugto ay naitala ang pinakama­laking kalamangan sa laro na 15 puntos na dalawang beses nangyari sa 79-64 at 81-66.

Ngunit bumangon ang number seven team na Batang Pier sa pagtutulu­ngan nina Kelly Nabong, Sol Mercado at Rudy Lingganay.

Kampante pang nakalayo ang Rain or Shine sa walong puntos pero nagpakawala ang Batang Pier ng 6-0 bomba na tinapos ng reversed lay-up ni Lingganay mula sa error ni Ryan Araña, para dumikit sa 98-96, may 3:18 sa ora­san.

Pero naubos na ang Batang Pier at hindi naka­iskor dala na rin ng matibay na depensa ng Elasto Painters na kinatampukan ng mga butata kina Mercado at Nabong.

Si Jerby Cruz ay mayroong 18 puntos, si Larry Rodriquez ay may 16 habang sina Gabe Norwood, Araña at Paul Lee ay naghatid pa ng 14, 10 at 10 puntos para masilayan uli ang magandang pagtutulungan ng Painters.

Sa ikalawang laro, humirit ang Alaska Milk ng do-or-die game nang igupo ang Barangay Ginebra, 104-95. (ATan)

Rain or Shine 106 --Cruz 18, Belga 17, Rodriguez 16, Norwood 14, Arana 10, Lee 10, Quinahan 5, Tang 5, Almazan 4, Tiu 3, Nuyles 2, Teng 2, Ibanes 0.

Globalport 96 -- Romeo 23, Nabong 18, Mercado 16, Yee 7, Menk 7, Hayes 6, Salvador 6, Lingganay 5, Chua 4, Ponferada 4, Belencion 0, Salva 0, Garcia 0.

Quarterscores: 35-29; 60-52; 86-77; 106-96.

Alaska 104 -- Hontiveros 18, Baguio 18, Casio 16, Abueva 16, Thoss 13, Espinas 12, Jazul 10, Eman 1, Belasco 0, Dela Cruz 0, Exciminiano 0.

Ginebra 97 - Aguilar 22, Tenorio 16, Caguioa 15, Urbiztondo 13, Slaughter 12, Helterbrand 9, Ellis 4, Reyes 4, Baracael 2, Ababou 0, Monfort 0.

Quarterscores: 23-20; 55-51; 80-71; 104-97.

ALASKA MILK

ANG ELASTO PAINTERS

BARAKO BULL

BATANG PIER

GLOBALPORT

MALL OF ASIA ARENA

PASAY CITY

PUNTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with