So, Karjakin tabla
MANILA, Philippines - Itinulak ni Filipino GrandÂmaster Wesley So sa draw ang laban nila ni GM Sergery Karjakin ng Russia matapos ang 51 moves ng Queen’s Indian Defense at manatiling kasalo sa ikaapat na puÂwesÂto sa seventh round ng 76th Tata Steel Tournament Masters sa Rijksmuseum, Amsterdam nitong Linggo.
Hawak ang mga puÂting piyesa, sinamantala ni So (ELO 2719) ang kaÂpabayaan ni Karjakin sa pagsakripisyo niya ng rook para sa knight sa 24th move ng Bxg2.
Bagama’t quality down (hawak ni Karjakin ang five pawns, two knights at two rooks, kontra kay So na may five pawns, two rooks at black bishop), nagpatuloy ang pag atake ng Ruso sa f2 pawn ni So kung saan napuwersa ang huli na ibigay ang kanyang quality up advantage matapos magpalitan ng piyesa na nauwi sa drawish position
At dito na nagkasundo ang dalawa na maghatian ng puntos sa 51 move kung saan hawak ni Karjakin ang four pawns at rook habang ang Pinoy ay may four pawns at rook din.
Ang naturang draw ay naglagay kay Karjakin sa ikaÂlawang puwesto kasama ang Ducth teenager na si Anish Giri na may 4.5 puntos.
- Latest