^

PSN Palaro

Road Warriors Ibinaon pa ang Gems

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinag-alab nina Garvo Lanete, Kevin Alas at Matt Ganuelas ang opensa ng NLEX mula sa pangala­wang yugto upang ikasa ang 80-68 panalo sa Cebuana Lhuilliler sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa JCSGO gym.

Si Lanete uli ang na­ngu­na sa Road  Warriors sa kanyang 21 puntos habang 18 at 13 ang isinuporta nina Alas at Ganuelas at ang tropa ni coach Boyet Fernandez ay nanalo sa ika-siyam na pagkakataon sa 10 laro para lumapit pa sa asam na malagay sa unang dalawang puwesto na aabante agad sa semifinals.

“I’m happy that my pla­yers continue to play with a lot of energy,” pahayag ni Fernandez.

Matapos ang tres ni James Martirez para maitabla ng Gems ang iskor sa 28, gumanti si Lanete ng sariling three-pointer habang si Ganuelas ay may apat para kunin ng NLEX ang 39-28 kalamangan sa halftime.

Pumukol pa ng tig-isang tres sina Lanete at Alas sa ikatlong yugto para palobohin ang kalamangan sa 19, 67-48.

Ikalawang sunod na ka­biguan ito para sa  Gems na nalagay sa ala­nganin ang hinahangad na umabante sa quarterfinals sa 4-6 karta.

Hindi naman nakaapekto ang mahigit isang buwan na pamamahinga ng Cagayan Valley sa pa­­mamagitan ng 101-92 ta­gumpay laban sa NU-Banco de Oro sa unang laro.

Tig-isang triples ang ibinigay nina Don Trollano at Adrian Celada upang tapatan ang magkasunod ding tres nina Jet Rosario at Robin Rono at makakalas mula sa 91-90 iskor.

 

ADRIAN CELADA

BOYET FERNANDEZ

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLILER

D-LEAGUE ASPIRANTS

DON TROLLANO

GANUELAS

GARVO LANETE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with