Sibak na rin sa Australian open Sharapova sinorpresa ni Cibulkova
MELBOURNE--Unti-unti ay nalalagas na ang mga tinitingalang manlalaro sa women’s division sa Australian Open.
Namaalam na ang third-seeded na si Maria Sharapova nang hindi napangatawanan ang first set panalo sa 3-6, 4-6, 1-6, pagyuko kay Dominika Cibulkova sa fourth round noong Lunes.
Nawala ang ipinagmaÂlaking serve ni Sharapova sa second at third sets at ininda rin ang 45 unforced errors.
Ito pa lamang ang ikalawang torneo na nilahukan ni Sharapova dahil sa tinamong right shoulder injury.
“I have to look at the positives and see where I have come from in four or five months. I haven’t plaÂyed a lot of tennis in those six months,†pahaÂyag ni Sharapova na hinirang na kampeon sa torneo noong 2008.
Naunang nasibak sa mga may pangalang plaÂyers ang top ranked na si SeÂrena Williams noong Linggo.
Sunod na makakasagupa ni Cibulkova si No. 11 Simona Halep na pinatalsik din ang dating No. 1 na si Jelena Jankovic, 6-4, 2-6, 6-0 sa quarterfinals.
Hindi pa lilisanin ni ShaÂrapova ang Melbourne at susuportahan nito ang kanyang kasintahan na si Grigor Dimitrov na nakaraÂting sa quarters ng men’s side sa kauna-unahang pagÂkakataon nang itarak ang 6-3, 3-6, 6-2, 6-4 panalo laban kay Roberto BauÂtista Agut.
Umusad din si Victoria Azarenka sa quarterfinals nang manalo kay No. 13-seed Sloane Stephens, 6-3, 6-2.
- Latest