^

PSN Palaro

So sumuko kay Aronian

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbayad ni top seed Armenian Levon Aronian ang masamang paghawak ni Filipino GM Wesley So ng English Opening para kunin ang 36-move panalo sa sixth round ng Tata Steel Masters sa Wijk Ann Zee sa The Netherlands noong Sabado.

Napilitan mag-resign si So nang nadehado siya sa palitan matapos isakripisyo ni Aronian ang isang pawn upang maipit sa kingside ang kanyang mga piyesa.

Ang 31-anyos na si Aro­nian ay dating world rapid, blitz at Cup champion at siyang nanguna sa Armenian national team na nanalo ng ginto sa 2006, 2008 at 2012 World Chess Olympian sa Turin, Dresden at Istanbul.

May  limang puntos ang 2812 rated player na si Aronian matapos ang anim na laro upang umabante ng isang puntos angat kina Dutch Anish Giri at Russian  Sergey Karjakin.

Tumabla si Giri kay fourth-seeded Gelfand ma­tapos ang 66 moves ng Gruenfeld habang si Kar­jakin ay nanalo kay German Arkadij Naiditsch sa 76 moves ng King’s In­dian Attack.

Si So ay bumaba sa pa­kikisalo sa ikaapat na pu­westo kasama si No. 3 Fabiano Caruana ng Italy, No. 6 Leinier Dominguez ng Cuba at Pentala Harikrishna ng India sa 3.5 puntos.

“Great game by Lew Aronian. It was a convin­cing performance so far that is why he is No. 2 in the world,” wika ni Susan Polgar na siyang coach ni So.

Pagsisikapan ni So na bumangon mula sa ka­bi­­­guan sa pagharap kay Karijakin sa seventh round.

 

ARMENIAN LEVON ARONIAN

ARONIAN

DUTCH ANISH GIRI

ENGLISH OPENING

FABIANO CARUANA

GERMAN ARKADIJ NAIDITSCH

LEINIER DOMINGUEZ

LEW ARONIAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with