^

PSN Palaro

Ivanovic pinagbakasyon na si Serena sa Aussie Open

Pilipino Star Ngayon

MELBOURNE--Natapos ang mahabang winning streak ni Serena Williams nang gulatin siya ni Ana Ivanovic sa fourth round ng Australian Open sa Melbourne, Australia.

Ang No. 14-seeded na si Ivanovic, na hindi nakatikim ng isang set na panalo sa apat na pagtutuos nila ni Williams ay bumangon mula sa first set na pagkatalo tungo sa 4-6, 6-3, 6-3, panalo.

Hindi natalo si Williams mula Agosto at pumasok siya sa fourth round bitbit ang 25 sunod na tagumpay.

Matapos ang laban ay inamin ng five-time Australian Open champion na may iniinda siyang pananakit ng likod na nakuha habang nagpa-practice at sa mga naunang araw ay binalak na ring mag-withdraw sa kompetisyon.

Ito ang ika-70th match sa Melbourne Park na record sa Open era at ang panalo sa third round ang siyang tatayong bagong record sa liga.

“It wasn’t the best,” wika ni Williams matapos sabihin ng kan­yang coach ang tunay niyang kondis­yon.

Aminado naman si Ivanovic na napahirapan pa rin siya kahit may dinaramdam ang katunggali.

Umabante si Ivanovic sa quarterfinals at makakalaro niya ang mana­nalo sa pagitan ng wild-card entry na si Casey Dellac­qua ng Australia at No. 30-seed Eugenie Bouchard ng Canada.

Tampok sa iba pang quarterfinals ang sagupaan nina Li Na at No. 28 Flavia Penneta na pawnag nagsipanalo sa kani-kanilang kalaban.

Pinatalsik ni Na si No. 22 Ekaterina Makarova, 6-2, 6-0 habang nalusutan ni Pennetta ang No. 9 na si Angelique Kerber, 6-1, 4-6, 7-5.

vuukle comment

ANA IVANOVIC

ANG NO

ANGELIQUE KERBER

AUSTRALIAN OPEN

CASEY DELLAC

EKATERINA MAKAROVA

EUGENIE BOUCHARD

FLAVIA PENNETA

IVANOVIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with