^

PSN Palaro

Huelgas humataw sa Subic triathlon

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinakita ni Nikko Huel­gas ang kanyang ka­han­daan na balikatin ang kam­panya ng Pilipinas sa gaganaping Asian Games sa Incheon, Korea matapos ang kahanga-hangang por­ma sa sinalihang 2014 National Age Group Triathlon kahapon sa Dungaree  Beach sa Subic Bay Free­port.

Ang mga national pla­yers ay sumali sa Olympic distance na 1.5k swim, 40k bike at 10k run bilang guest pero performance rin ang tinitingnan ng nag-o-organisang Triathlon Association of the Philippines (TRAP) dahil sa magaganap na Asian Games bukod pa sa Asian Beach Games.

Hindi naman nagpabaya si Huelgas na nagsumite ng isang oras, 59 minuto at 21 segundo at hindi pinaporma si John Chicano na namayagpag noong  2013 sa panahong si Huelgas ay nagbuhos ng oras sa kanyang pag-aaral.

“My priority right now is to qualify in the Asian Games. I  hope to achieve that this year,” wika ni Huel­gas na sa Pebrero ay nakatakdang magtapos ng pag-aaral sa La Salle.

Mula sa swim hanggang sa run ay nanguna si Huelgas tungo sa magandang panimula sa taon.

Hindi naman nagpa­baya ang number one sa kababaihan na si Kim Mangrobang na nakapagtala ng 2:11:37 tiyempo upang dominahin si Mary Ann Fornea.

“Maganda ang swim ko ngayon at ito ang nagdala sa laro ko,”  pahayag ni Man­grobang.

Ang nagbida sa unang yugto ng NAGT ay si Mervin Rendel Santiago at Aileen Breen na siyang nagsumite ng pinakamatu­ling tiyempo sa kalalakihan at kababaihan na nasa 2:13:56 at 2:49:40.

Ang karerang ito ay may suporta ng Subic Bay Me­tropolitan Authority (SMBA) Tourism Department bukod pa ng Asian Centre for Insulation Philipines, Inc. (ACIP), Gatorade, Standard Insurance, Green Triathlon, Lifestyle Subic Bay at Philippine Sports Commission (PSC). 

 

vuukle comment

AILEEN BREEN

ASIAN BEACH GAMES

ASIAN CENTRE

ASIAN GAMES

GREEN TRIATHLON

HUELGAS

INSULATION PHILIPINES

JOHN CHICANO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with