Schrock, Maraño; Valdez tatanggap ng special awards sa PSA
MANILA, Philippines - Dalawang volleybelles at isang football player ang bibigyan ng special awards ng Philippine SportswriÂters Association (PSA) sa Annual Awards Night sa Enero 25 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Si Stephan Schrock ng Philippine Azkals at mga volleybelles na sina AbiÂgail Maraño at Alyssa ValÂdez ang tatanggap ng Mr. Football and Miss Volleyball, ayon sa pagkakasuÂnod, sa pagbibigay ng piÂnakamatandang media organization sa bansa ng pagkilala sa kabuuang 123 personalities at entities sa Awards Night na inihahandog ng MILO at Air21 bilang major sponsor.
Ito ang unang PSA award para sa 27-anyos na si Schrock, nagbida sa paÂnalo ng Azkals sa 2013 Philippine Peace Cup.
Ang midfielder na ang ama ay isang German at ang ina ay isang Pinay ay lumagda sa Bundesliga club na Eintracht Frankfurt sa kalagitnaan ng 2013.
Ang mga naunang kinilalang Mr. Football ay sina Chieffy Caligdong, Phil Younghusband at Ed Sacapano.
Samantala, sina Maraño at Valdez ang unang hiÂÂnirang na Miss Volleyball ng PSA sa taunang event na itinataguyod ng Smart Sports, Philippine Sports Commission, SM Prime Holdings, Philippine Amusement and Gaming Corp., ICTSI-Philippine Golf Tour, Philippine Basketball Association, Globalport, Rain or Shine, Philippine Charity Sweepstakes Office, Accel at 3XVI at ni Senator Chiz Escudero.
Iginiya ni Maraño ang De La Salle women’s volleyball team sa ikatlong sunod na University Athletic Association of the Philippines (UAAP) title na tinampukan ng two-game sweep sa Ateneo sa Finals.
Ang 21-anyos na team captain ng Lady Spikers ang ginawaran ng UAAP Most Valuable Player award sa ikalawang sunod na taon.
Tinulungan naman ng 21-anyos na si Valdez ang pagsigla ng volleyball program ng Ateneo at naÂnguna sa dalawang beses na pagrereyna ng koponan sa Shakey’s V-League.
Sasamahan nina Schrock, Maraño at Valdez ang local sports community sa pagpaparangal sa Gilas Pilipinas bilang 2013 Athlete of the Year sa event na isasaere ng PSA partner na DZSR Sports Radio 918.
- Latest