POC nasorpresa sa $450-k tulong ng IOC
MANILA, Philippines - Sinorpresa ng International Olympic Committee (IOC) ang Philippine Olympic Committee (POC) nang ihayag ang ambag na $450,000.00 tulong para sa ginagawang pagbangon ng mga nabiktima ng super typhoon Yolanda.
Ang anunsyo ay ginaÂwa sa Olympic Council of Asia (OCA) General Assembly meeting kahapon sa Philippine International Convention Center (PICC).
Si OCA president Sheikh Ahmad Al-Fahad Al Sabah ng Kuwait ang naglahad ng donasyon at ito ay nagmula sa $150,000.00 donasyon ng IOC at ganitong halaga rin mula sa OCA at sa Olympic Solidarity Program.
May liham na ginawa si IOC president Thomas Bach ng Germany para kay POC president Jose Cojuangco Jr., at inihayag nito ang pakikiisa sa pagbangon ng mga nabiktima lalo pa’t nakita nila ang malawakang pinsala dulot ng Yolanda (Haiyan).
“It is with great shock and consternation that we have witnessed the appalling devastation in your country caused by the passage of Typhoon Haiyan and we would first and foremost like to express our sympathy to you and your people of the Philippines,†wika ng IOC head na kinatawan sa pagpupulong ni IOC vice president John Coates ng Australia.
Ang Japan Olympic Committee ay nangakong maglalabas ng $30,000.00 para gamitin sa relief efforts.
Ang perang galing sa IOC na nasa P20 milyon ay gagamitin sa pagpapagawa sa mga pasilidad sa sports na nasira ng bagyo.
Si Mikee Cojuangco-Jaworski na siyang kinataÂwan ng IOC sa Pilipinas ang siyang mangangasiwa rito.
- Latest