NCR netters kampeon pa rin
MANILA, Philippines - Bumangon ang NatioÂnal Capital region mula sa third set na pagkakadapa upang silatin ang Central Visayas sa fourth set at itakas ang 25-18, 25-18, 18-25, 25-22 panalo at maÂpanatiling hawak ang korona sa Shakey’s Girls Volleyball League Season 11 Tournament of ChamÂpions sa Ninoy Aquino Stadium kahapon.
Kumana si Justine DoÂrog ng 18 kills bukod ang isang block, habang umiskor naman si Ma. Lina Isabel Molde ng 17 sa atake, isang block at isang ace upang banderahan ang NCR’s sa ginawang pagbangon tungo sa ikatlong sunod na kampeonato sa annual event na hatid ng Shakey’s.
Agad na ipinaramdam ng Hope Christian U, kumatawan sa NCR ang kanilang determinasyon na manatiling hawak ang korona nang kunin ang unang dalawang sets ng best-of-five championship.
Pero bahagyang nanlamig sa pagsapit ng third set upang maisuko ang naturang set sa CV netters.
At sa pagkakataong ito, hindi hinayaan nina Molde at Dorog na tuluyang kumawala sa kanilang koponan ang titulo at muling nagliyab para kunin ang final set sa naturang event na inorganisa ng Metro Sports.
“Medyo inconsistent pa dahil nga mga bata pa,†wika ng winning coach na si Jerry Yee matapos ang four-set na panalo sa University of San Jose Recoletos.
Nauna rito, ibinulsa ng Western Visayas ang ikatlong puwesto sa pamamaÂgitan ng 18-25, 26-24, 25-16, panalo laban WesÂtern Visayas.
- Latest