Wesley nahulog sa No. 2
MANILA, Philippines - Nakuntento na lamang si Filipino Grandmaster Wesley So sa isang 57-move draw kay Dutch Anish Giri sa kaÂnilang Slav duel para bumaba sa ikalawang puwesto maÂtapos ang four rounds ng Tata Steel Masters sa Wijk aan Zee, the Netherlands.
Tinalo na ni Gir si So ng dalawang beses at nagtabla sa dalawa pa nilang pagkikita.
Dahil sa kanilang draw, kapwa may 2.5 points ngayon sina So at Giri para makasalo sa No. 2 si fifth seed Sergey Karjakin ng Russia, tinalo si Hungarian Richard Rapport mula sa isang 44-move ng French encounter.
Katabla rin nila si Pentala Harikrishna ng India na naÂkiÂpag-draw kay Dutch Loek Van Wely sa 29 moves ng Queen’s Pawn Game.
- Latest