No. 1 seat puntirya ng Ginebra; San Mig Coffee asam ang 3rd straight
MANILA, Philippines - Kung may bagay mang iniisip ang mga Barangay GiÂnebra, ito ay ang pag-angkin sa No. 1 seat sa quarÂterfinal round.
“On Friday against Globalport, pipilitin na namin makuha ‘yan,†sabi ni head coach Ato Agustin sa pagÂsaÂgupa ng kanyang Gin Kings sa Batang Pier ngaÂyong alas-5:45 ng hapon sa 2013-2014 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Ang mga koponang uÂupo sa No. 1 at No. 2 spot ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage konÂtra sa No. 8 at No. 7 teams, ayon sa pagkakasuÂnod, sa quarterfinals.
Maglalaban naman sa best-of-three series ang No. 3 laban sa No. 6 at ang No. 4 kontra sa No. 5.
Kung mananaig sa GloÂbalport, ito pa lamang ang unang pagkakataon na maÂkakamit ng Ginebra ang No. 1 seat matapos noÂong 2006-2007 PBA PhiÂlippine Cup na kanilang piÂnagharian.
Umiskor ang Gin Kings ng isang come-from-behind 90-83 win laban sa BaÂrako Bull Energy noong EneÂro 12.
Nanggaling naman ang Batang Pier sa 91-88 overÂtime victory kontra sa AlasÂka Aces noong Enero 13.
Target ng Globalport ang isang quarterfinals spot.
“Laban lang kami, comÂpete,†sabi ni rookie mentor RitÂchie Ticzon sa Batang Pier na asam ang kanilang ikaÂlawang sunod na paÂnaÂlo.
Tangan ng Ginebra ang 10-2 record kasunod ang Rain or Shine (10-3), Petron Blaze (9-4), Talk ‘N Text (7-5), San Mig Coffee (6-8), Globalport (5-8), Meralco (5-8), Barako Bull (5-8), Alaska (4-9) at Air21 (3-10).
Sa ikalawang laro sa alas-8 ng gabi, magpupuÂwestuhan naman ang TroÂpang Texters at ang Mixers, naÂsa isang three-game winÂning streak ngayon, paÂra sa No. 2 slot sa quarterÂfinals.
- Latest