^

PSN Palaro

NCR, CV nagparamdam agad sa Shakey’s T-of-C

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinandera agad ng Hope Christian High School ang kanilang puwersa nang talunin ang Baguio City National High School, 22-25, 25-16, 25-11, sa pagbubukas ng Shakey’s Girls Volleyball League Season 11 Tournament of Champions kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang Hope Christian ang siyang nagdedepensang kampeon na kumakatawan sa National Capital Region at lumabas ang kanilang bangis sa second at third sets tungo sa unang panalo sa Pool A sa ligang suportado ng Shakey’s at may ayuda ng Mikasa,  Asics, Tune Hotel, Burlington, BioFresh, Food Health and Science Magazine at inorganisa ng Metro Sports sa pamumuno ni Freddie Infante.

Nanalo ang Central Visayas na kinakatawan ng University of San Jose-Recoletos sa Ateneo de Davao ng Mindanao, 25-19, 25-19, sa Pool B.

Pinaigting ang kom­petis­yon sa paglahok ng mga dayuhang koponan mula New Zealand at Victoria, Australia.

Si Shakey’s marketing manager Barbie Ocampo at Philippine Sports Commission chairman Ricardo Garcia ang magkasama sa pagbubukas ng liga.

Ginamit naman ng New Zealand ang kanilang bentahe sa taas at malawak na karanasan at madaling dispatsahin ang Southern Luzon leg winner La Salle-Lipa sa isa pang laban.

Bagamat nangapa ang mga Kiwis sa kaagahan ng laro, madali rin nilang nakuha ang timpla ng laro at kanilang binomba ang La Salle tossers at makasama ang USJ-Recoletos sa maagang pangunguna sa Pool B.

 

vuukle comment

ANG HOPE CHRISTIAN

BAGUIO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

BARBIE OCAMPO

CENTRAL VISAYAS

FOOD HEALTH AND SCIENCE MAGAZINE

FREDDIE INFANTE

GIRLS VOLLEYBALL LEAGUE SEASON

NEW ZEALAND

POOL B

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with