San Miguel Beermen magbabalik sa Commissioner’s Cup
MANILA, Philippines - Ibabalik ng San Miguel Corporation ang orihinal na monicker sa PBA team na San Miguel Beermen sa pagsisimula ng 2014 PBA Commissioner’s Cup.
Ang Beermen ay nanalo ng 19 na PBA titles, kasama ang grandslam noong 1989. Pero noong 2012, nagpalit sila ng pangalan sa pro league at kinalala sila bilang Petron Blaze Boosters.
Ngunit nakita ng pamunuan na dapat na ibalik ang orihinal na pangalan ng koponan dahil sa taong ito isineselebra ang 25th anibersaryo sa pagwalis sa tatlong conference upang maihanay ang Beermen sa Crispa (1976 at 1983) at Alaska Milk (1996) bilang mga grandslam teams sa PBA.
“San Miguel Beer is syÂnonymous to brewing excellence. We build our success as a conglomerate on San Miguel’s name. We are happy to announce its return to the PBA and we look forward to its future success,†wika ni SMC president Ramon S. Ang.
Ang huling titulo ng BeerÂmen ay nailista noong nakaraang taon sa ASEAN Basketball League (ABL).
Sina 2013 MVP Arwind Santos, center June Mar Fajardo at Alex Cabagnot ang mga magdadala sa BeerÂmen na magbabalak na muling itatak ang marka bilang champion team mula sa second conference.
Kabilang sa mga manlalarong nagtulung-tulong para mahablot ang grandslam ay sina Ricardo Brown, Allan Caidic, Avelino “Samboy†Lim, Hector Calma, Ramon Fernandez, Ricky Cui, Yves Dignadice, Jeffrey Graves, Bobby Jose, Franz Pumaren, Alvin Teng, Tonichi Yturri, Renato Agustin at ang namayapa ng si Alfie Almario.
Ang mga imports na naÂkasama ng koponan sa makasaysayang pagtaÂtaÂpos ay sina Michael Phelps, Keith Smart at Ennis Whatley.
- Latest