Venus sibak kay Makarova sa Australian Open
MELBOURNE--NaÂmaalam agad si Venus Williams sa Australian Open nang lasapin ang 2-6, 6-4, 6-4, pagkatalo kay Ekaterina Makarova sa unang araw ng kompetisyon.
Ang No. 22 seeded na si Makarova ay umani ng atensyon noong 2012 nang patalsikin ang kapatid ni Venus na si Serena sa fourth round.
Lalabas si Venus bilang ikalawang pinakamatandang manlalaro sa kompetisÂyon sa edad na 33-anyos at kahit nakitaan siya ng magandang laro sa mga naunang yugto ng labanan ay bumibigay siya kapag humahabol si Makarova.
Aangat sana si Williams sa 4-2 sa second set pero hindi niya nakuha ang break-point. Sa ninth game ay tatlong double-faults ang kanyang naitala para masayang ang 40-30 iskor at maisuko ang laro na kung saan siya ang may serbisyo.
Bumabangon mula sa injuries at sakit sa mga nagdaang taon, ipinalagay na makakapagbigay ng magandang laban si Williams sa kompetisyon maÂtapos umabot sa final ng WTA event sa Auckland sa unang torneo sa taong ito.
Ang two-time finalist na si Li Na ay nanalo sa pinakabatang kasali sa torneo na si Ana Konjuh ng Croatia, 6-2, 6-0 para itakda ang pagharap sa isa pang 16-anyos na French Open at Wimbledon junior champion na si Belinda Bencic ng Switzerland.
Umabante si Konjuh matapos ang three sets panalo sa beteranang si Kimiko Date-Krumm ng Japan.
- Latest