Hungarian Super GM pisak kay So
MANILA, Philippines - Sinimulan ni Filipino Grandmaster (GM) Wesley Barbasa So ang kanyang kampanya sa 76th Tata Steel Tournament Masters 2014 sa Wijk aan Zee, Netherlands sa pamamagitan ng isang panalo.
Tinalo ng 20-anyos na Webster University sophomore na si So, may ELO rating na 2719, si Super GM Richard Rapport (ELO 2691) ng Hungary matapos ang 56 moves ng Larsens Opening gamit ang itim na piyesa.
Sa dulo ng laro ay hawak ni So ang dalawang pawns at queen at bishop, habang may apat na pawn si Rapport at queen.
Sa iba pang laro, tinalo ni second seed hydra GM Hikaru Nakamura ng USA (2786) si GM Arkadij NaiÂditsch ng Germany (2737) sa 65 moves ng Nimzo-Indian defense.
Binigo naman ni 3rd seed GM Fabiano Caruana ng Italy (2782) si 4th seed GM Boris Gelfand ng Israel (2777) sa 30 moves ng Sicilian Najdorf Variation at giniba ni 5th seed hydra GM Sergey Karjakin ng Russia (2756) si super GM Loek Van Wely ng the Netherlands (2678) sa 60 moves ng Catalan Opening.
Nauwi sa draw ang laban nina Levon Aronian ng Armenia (2803) at super GM Pentala Harikrishna ng India (2708) matapos ang 30 moves ng Giuco Piano Opening.
Nakipag-draw din si GM Anish Giri ng the Netherlands (2737) kay GM Leinier Dominguez ng Cuba (2754) makaraan ang 31 moves ng Ruy Lopez Berlin.
- Latest