Guarte, Sarmiento dinomina ang 2014 Stags Charity Run
MANILA, Philippines - Ipinagpatuloy ni Melchor Guarte ang pagdodomina ng mga Guartes nang nakasama niya si May Anne Sarmiento na nanguna sa 10K run sa 2014 Stags Charity Run kahapon sa ASEANA City na malapit sa Mall of Asia at Macapagal Blvd. sa Pasay City.
Ibayong bilis ang ipinakita ni Guarte upang pangunahan ang kalalakihan mula simula hanggang natapos ang karera at sundan ang yapak na ginawa ng nakatatandang kapatid na si Mervin Guarte noong nakaraang taon.
Si Fr. Joel Alve, OAR, ang nanguna sa patakbo na nilahukan ng 4000 mag-aaral at kaibigan ng San SeÂbastian na ginamit ito bilang bahagi ng selebrasyon ng 73rd Founding Anniversary ng San Sebastian ColÂlege-Recoletos at naglayong makalikom ng pondo para sa mga charity missions ng Order of Augustinian Recollects (OAR).
“Nakuha ko dahil wala naman kalaban. Ito ang third year ko pero ngayon lang ako nanalo,†wika ng 17-anyos third year high school student ng San Sebastian na nagÂsumite ng nangungunang 36 minuto at 48 segundo tiyempo.
Kumarera siya sa mas mababang 3K pero tumapos lamang sa pangalawang puwesto.
Nasa malayong pangalawa at pangatlong puwesto sina Zendrix Yumol at Jerome Udtohn sa 51:02 AT 59:03 tiyempo.
Nagbunga naman ang mahabang preparasyon ni Sarmiento dahil nanatili siyang kampeon sa kababaihan sa kinamadang 45:03 bilis.
Milya-milya rin ang agwat niya sa pumangalawang sina Sam Tanada at Loreene Reyes na naorasan ng 1:01:00 at 1:02:00 para sa segunda at tersera puwesto.
Nangibabaw naman sina Vincent Nabong (28:09) at Lorraine Santos (30:08) sa 5K habang sina Ronald Canaria (17:04) at Sheila Lantaca (24:35) ang nanguna sa 3K distansya.
- Latest