^

PSN Palaro

Mga miyembro ng FIBA-Asia U-18 3x3 champion team magkakahiwalay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maghihiwalay ng landas ang dalawang magka­kampi sa FIBA-Asia U-18 3x3 champion squad sa ka­nilang paglalaro sa UAAP men’s basketball tour­nament sa susunod na season.

Naging magkakampi si­na Arvin Tolentino at Prince Rivero sa national team kasama sina Thirdy Ra­vena at Kobe Paras na su­mabak sa FIBA-Asia U-18 3x3 championships sa Bangkok noong nakaraang taon.

Natalo ang mga high school stars sa Qatar, 17-14, bago kumamada ng anim na sunod na panalo, ka­bilang ang tagum­pay laban sa China, 22-18, sa se­­mifinals at kontra sa India, 21-19, sa finals para angkinin ang korona.

Ngayon ay maghihiwalay na sila.

Magtutungo si Tolentino sa Ateneo mula sa San Be­da, habang iiwanan naman ni Rivero ang La Salle- Greenhills para maglaro sa De La Salle University.  

Magkikita namang muli sina Ra­vena at Tolentino sa Ateneo.  

Si Paras, may isang ta­on pa sa kanyang UAAP ju­nior eligibility, ay inalok ng athletic scholarship sa Cathedral High School sa Los Angeles.

Kung babalik sa bansa si Paras ay gusto ng kanyang amang si Benjie na mag­laro siya para sa Green Archers sa UAAP se­niors.

Pinamunuan ng 6-foot-5 na si Tolentino ang San Be­da Red Cubs sa NCAA junior championships at nakalaban ng 6’4 na si Rivero.

Nabigo si Rivero, ang ama ay ang  strength and con­­ditioning coach ng Ba­­rako Bull sa PBA, na aka­­yin ang Greenies sa kampeo­nato ng NCAA juniors.

vuukle comment

ARVIN TOLENTINO

ASIA U

ATENEO

CATHEDRAL HIGH SCHOOL

DE LA SALLE UNIVERSITY

RIVERO

SAN BE

SHY

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with