Roach umaasang maitatakda ang Pacquiao-Mayweather fight
MANILA, Philippines - Hanggang ngayong 2014 na lamang ang konÂtrata ni Manny Pacquiao sa Top Rank Promotions ni Bob Arum.
At umaasa si chief traiÂner Freddie Roach na maitatakda ang mega showdown nina Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. bago magÂretiro ang Filipino world eight-division champion sa susunod na taon.
“Manny has time left in his contract but I think if he calls Bob and tells Bob what he wants, and that’s Mayweather,†ani Roach kay Pacquiao sa panayam ng The Sweet Science.
“Bob will give him what he wants, Bob will let him go do that fight,†dagdag pa ng five-time Trainer of the Year awardee.
Ilang beses nang kinuÂkutya ni Mayweather (45-0-0, 26 KOs) si Pacquiao (55-5-6, 38 KOs) sa kanyang mga accounts sa Facebook, Twitter at Instagram at maging sa kanyang mga paÂÂnayam.
Ayon kay Mayweather, hinÂdi niya lalabanan si PacÂquiao habang nasa baÂkuran ng Top Rank ang Sarangani Congressman.
Si Arum ay naging proÂmoter ni Mayweather noÂong 1996 hanggang 2006.
“I think Arum being the promoter and the professional that he is, will give Manny that fight. I like that September date, I’m puÂshing for it,†ani Roach.
Kamakailan ay kumalat ang balitang nagkasundo na sina Pacquiao at MayÂweaÂther para sa kanilang suÂper fight sa Setyembre na kaagad pinabulaanan ng dalawa.
“It’s only rumors now, but I think the rumors will come true. I don’t think either Manny or Mayweather has anywhere else to go,†wika ni Roach.
Ilan sa mga ikinukunsiÂdera para makalaban ni PacÂquiao sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada sina World BoÂxing Organization (WBO) welterweight king Timothy Bradley, Jr. (31-0-0, 12 KOs) at WBO light welterweight ruler Ruslan ProÂvodÂnikov (23-2-0, 16 KOs).
Ayaw namang labanan ni Juan Manuel Marquez (55-7-1, 40 KOs) sa pang-limang pagkakataon matapos siyang umiskor ng isang sixth round knockout noÂong 2012.
- Latest