NU umiskor sa women’s at men’s volleyball
Laro sa Sabado:
(The Arena, San Juan)
8:30 a.m. Adamson
vs UST (men)
10 a.m. Ateneo
vs La Salle (men)
2 p.m. UE vs UP (women)
4 p.m. UST vs FEU (women)
MANILA, Philippines - Humataw sina Dindin at Jaja Santiago ng pinagsamang 29 points para ibigay sa National University ang 25-17, 25-22, 25-14 laban sa University of the Philippines sa UAAP Season 76 woÂmen’s volleyball tournament sa Filoil Flying V AreÂna sa San Juan kahapon.
Ito ang ikatlong sunod na tagumpay ng Lady Bulldogs.
Ang lahat ng 6 blocks ng NU ay nanggaling sa mag-utol na Santiago.
Nalasap ng UP ang kaÂnilang pang-anim na dikit na kamalasan at nakatakdang labanan ang kulelat ring University of the East sa Sabado.
Nagtala si Angeli Araneta ng 9 blocks, habang may tig-7 points naman sina KaÂthy Bersola at Sheeka EsÂpinosa para sa Lady MaÂroons.
Sa men’s play, nagposÂte sina Peter Torres at EdÂwin Tolentino ng tig-10 points para akayin ang nagÂdedepensang NU sa 25-16, 25-14, 25-22 pagguÂpo sa University of the East.
Isang panalo pa ang kaiÂlangan ng Bulldogs para mawalis ang first round ng men’s division.
- Latest