Slaughter, Williams at iba pa, hindi na maisasama ni Reyes sa Gilas Pilipinas
MANILA, Philippines - Sa Agosto 1 na sisimulan ng Gilas Pilipinas at ni head coach Chot Reyes ang kanilang paghahanda paÂra sa 2014 FIBA World Championship sa Agosto sa Spain.
At dahil sa gahol na panahon kasabay ng 39th PBA season, sinabi ni Reyes na hindi na siya nag-iisip ng kaÂragdagang pangalan sa kanÂyang national pool.
“As of now daily training starts Aug. 1. If that’s the case, no time to try new plaÂyers for roster change,†wika ni Reyes sa kanyang Twitter account na @coachot.
Ang mga nasa national pool ay sina naturalized plaÂyer Marcus Douthit, Jayson CasÂtro, Jimmy Alapag, LA Tenorio, Larry Fonacier, Jeff Chan, Gabe Norwood, GaÂry David, Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Marc Pingris at Ranidel de Ocampo at reserve na si Beau Belga.
Sisimulan ng Nationals ang kanilang team practiÂces matapos ang World Cup draw na nakatakda sa PebÂrero 3 sa Spain.
Ilan sa mga sinasabing maÂkakatulong sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup ay sina seven-foot rookie Greg Slaughter ng Barangay Ginebra at mga dating miyembrong siÂna Kelly Williams ng Talk ‘N Text, Marcio Lassiter at Chris Lutz ng Petron Blaze.
“After February, but those are basically shooting drills and walk-throughs. Can’t go hard as players are still in-season,†wika ni ReÂyes.
Nakatakdang talakayin ng PBA Board at ni Reyes ang paglahok ng national team sa 2014 FIBA World Cup at maging sa 2014 Asian Games sa Incheon, KoÂrea.
Ang iskedyul sa 2013-2104 PBA season ang patuloy na nagiging problema ni Reyes para sa ensayo ng Gilas Pilipinas.
Ang 39th PBA season ay maaaring umabot sa AgosÂto 11 kung magkakaroÂon ng Game Seven sa 2014 Governors Cup Finals at magsisimula ang FIBA World Cup sa Agosto 30.
Sinabi ng PBA na hindi na nila maaaring baguhin ang kanilang kalendaryo ngaÂyong season.
- Latest