^

PSN Palaro

Lady Altas pinadapa ang Lady Red Spikers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinalo ng Univers­ity of Perpetual Help Sys­tem Dalta ang San Be­da College, 25-22, 22-25, 25-20, 27-25, pa­ra palakasin ang ka­nilang tsansa sa Final Four sa NCAA women’s volleyball tournament ka­hapon sa The Arena sa San Juan.

Nalampasan ng Lady Altas ang itinalang league-record na 33 points, kasama rito ang 28 attacks at 4 service aces, ni Janine Marciano sa panig ng Lady Red Spikers.

“Hindi pa talaga nagji-jell yung bawat isa up to now. Lahat ng posisyon ina-adjust ko,” ani coach Sammy Acaylar sa kanyang Lady Altas. “Masaya pa rin at nanalo. Hangga’t ma­aari, we wanted to win three or four sets.”

Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ng San Be­da matapos magtumpok ng malinis na  5-0 kartada para makatabla sa ikala­wang puwesto ang Perpe­tual.

Magkasalo naman sa li­derato ang Arellano University at ang College of Saint Benilde sa magkatulad nilang 5-1 marka.

Samantala, nagtala si Jhe­mil Abadilla ng 14 hits at 5 digs para igiya ang Ly­ceum sa 18-25, 25-20, 25-18, 25-19 paggupo sa Letran.

Ito ang ikalawang panalo ng Lady Pirates ngayong season kasabay ng pagpapalasap sa Lady Knights ng kanilang pang-pitong su­nod na kamalasan sa torneo.

Sa men’s division, dumi­retso ang Per­petual  Altas sa ka­nilang ika-40 dikit na arangkada nang igu­po ang San Beda Red Lions, 25-20, 25-20, 25-23.

ARELLANO UNIVERSITY

COLLEGE OF SAINT BENILDE

FINAL FOUR

JANINE MARCIANO

LADY ALTAS

LADY KNIGHTS

SAN BE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with