Billiards event tinanggal sa 2014 Asian Games
MANILA, Philippines - Bawas agad ang gintong medalya na pagsisikaÂpan saÂnang maidepensa ng Pilipinas sa Asian Games sa Incheon, Korea.
Ang larong bilyar ay tiÂnanggal sa mga sports na gagawin sa kompetisyon at apektado ang bansa dahil hindi nabobokya ang ipinaÂdadalang cue artists ng PiÂlipinas sapul nang isinali ang sport noong 1998 sa Bangkok, Thailand.
Si Dennis Orcollo na kumuha ng ginto sa 27th SEA Games sa Myanmar, ang siyang huling nanalo ng ginto sa Asiad nang doÂminahin ang men’s 9-ball noÂong 2010 sa Guangzhou, China.
Ang panalo sa Guangzhou ay nagresulta para maÂnatili sa bansa ang kamÂpeonato sa dibisyon na naunang hinablot ni Antonio Gabica noong 2006 sa Doha, Qatar.
Ang mga naunang events na pinagharian ng Pilipinas ay sa men’s doubles 9-ball at unang kamÂpeon dito sina Gandy Valle at Romeo Villanueva noÂong 1998 bago naidepenÂsa nina Francisco Bustamante at Antonio Lining noong 2002 sa Busan, Korea.
Hindi na isinali ang bilÂÂliards sa Incheon dahil isiÂÂnama ang cue sports sa kalendaryo ng Asian Indoor Martial Arts Games.
May panghihinayang naÂman na nararamdaman si Orcollo sa pagkakatanggal ng sport sa Asiad.
“Nakakalungkot dahil gold medal ako sa last Asian Games so hindi ko maÂde-defend ang title ko. PeÂro ganun talaga at bawi na lamang sa ibang tournaments na sasalihan ko,†pahayag ni Orcollo.
Bukod kay Orcollo, ang bowÂler na si Engelberto “BiÂboy†Rivera at ang boxer na si Rey Saludar ang iba pang nanalo ng ginto sa Guangzhou Games.
Sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4 gagawin ang 2014 Asian Games at ang pagkakaroon ng maÂÂhabang panahon ang siÂÂyang sinasandalan ng mga sports officials.
- Latest