^

PSN Palaro

Lumabas ang bangis ni Durant, Thunder isinalba sa panalo

Pilipino Star Ngayon

MINNEAPOLIS--Pinagtulungan nina Kevin Love, Nikola Pekovic at ng Minnesota Timberwolves si Kevin Durant ng Oklahoma City Thunder.

Dismayado sa kanyang inilaro sa first half, bumawi si Durant sa fourth quarter para tulungan ang Thunder sa 115-111 panalo laban sa Timberwolves.

Humugot si Durant ng 23 sa kanyang season-high na 48 points sa fourth quarter at isinalpak ang isang basket sa natitirang apat na segundo para ibangon ang Thunder mula sa isang 13-point deficit.

“I just hear a lot of stuff and I just wanted to come through for my team in the fourth quarter,’’ sabi ni Durant sa kanyang pakiki­pag-trash talk sa bench ng Wolves.

Tumipa si Durant ng 7-for-11 fieldgoals shooting at kumonekta ng apat na 3-pointers sa final quarter upang itayo ang Thunder buhat sa dalawang sunod na home loss.

Tumapos naman si Love na may 30 points, 14 rebounds at 5 assists para sa Wolves.

Ngunit apat na free throws ang naimintis ni Love sa huling 27 segundo na nagpaguho sa Minnesota.

Ang huling tatlong pu­maltos niyang free throws ay nang ma-foul siya sa 3-point line sa huling 2.2 segundo.

Sa Sacramento, kumana si Kemba Walker ng 30 puntos at nagdagdag si  Al Jefferson ng  season-high 27 at wakasan ng  Charlotte Bobcats ang season-high five-game losing streak sa pamamagitan ng 113-103 panalo laban sa Kings.

Sa iba pang laro, tinalo ng Philadelphia Sixers ang Portland Trail Blazers, 101-99.

 

AL JEFFERSON

CHARLOTTE BOBCATS

KEMBA WALKER

KEVIN DURANT

KEVIN LOVE

MINNESOTA TIMBERWOLVES

NIKOLA PEKOVIC

OKLAHOMA CITY THUNDER

PHILADELPHIA SIXERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with