^

PSN Palaro

PSC sinuklian ang paghihirap ni Alkhaldi

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi hahayaan ng Phi­lippine Sports Commission (PSC) na masayang ang paghihirap na ginawa ng swimmer na si Jasmine Al­khaldi sa Myanmar SEA Games.

Matatandaan na ang London Olympian na si Alkhaldi ang nanalo ng ginto sa women’s 100m freestyle pero binawi ng SEAG  organizers matapos ang protesta ng Thailand.

Nagkaroon ng re-swim at tumapos na lamang sa bronze medal ang Filipina tanker.

Pero para kay PSC chairman Ricardo Garcia, si Alkhaldi ang tunay na nanalo dahil ibinigay na sa kanya ang ginto at pinatugtog ang Pambansang awit ng Pilipinas kaya’t ibibigay ng PSC ang gold medal incentive na P100,000.00 sa nasabing swimmer.

“I thing she deserves to be given the gold medal incentive considering she won a gold medal, tumugtog ang national anthem natin at dahil lamang sa question ng iba  ay  binawi. Para sa amin, 30 ang gold medals natin sa Myanmar,” wika ni Garcia sa Thanksgiving Mass na ginawa noong Biyernes ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ang PSC ang maglalabas ng P90,000.00 upang isama sa P10,000.00 para sa bronze medal na insen­tibo na galing sa pondo ng PAGCOR.

Wala si Alkhaldi sa aktibidades na ito na inorganisa ng PSC at POC dahil bumalik na siya sa US kaya ang insentibo ay ibibigay sa kanyang mga kaanak na nasa bansa.

Nanguna sa mga tu­manggap ng insentibo ay sina lady cue artist Rubilen Amit at lady golfer Princess Superal.

Lumabas si Amit bilang manlalarong may pi­nakamalaking insen­tibo na napanalunan sa P150,000.00 matapos ang ginto (P100,000.00) at pilak (P50,000.00) na nakuha sa 10-ball at 9-ball events.

“I didn’t expect na ako ang magiging highest ear­ner for this SEA Games. Sa trying times nagsimula ang taon ko at masaya talaga ako sa mga blessings na natanggap ko,” wika ni Amit.

Hindi maganda ang panimula niya sa 2013 nang nagkaroon lamang ng dalawang bronze me­dals sa Asian Indoor-Martial Arts Games at Philippine National Games.

Pero nakabawi siya no­ong pagharian uli ang World Women 10-Ball Championship na ginawa sa bansa at nagtuluy-tuloy ito sa Myanmar SEA Games.

Sa panig ni Superal na may dalawang ginto sa individual at team events para kunin ang P133,333.00 insentibo, matamis ang gan­timpala lalo pa’t hindi niya inasahan na sasali ang women’s team sa Myan­mar.

Matatandaan na hindi payag ang mga sports officials na ipadala ang wo­men’s team na binubuo rin nina Asian Youth Ga­mes gold meda­list Mia Legaspi at Katrina Briones dahil wala pang pruweba kung South East Asian competitions ang pag-uusapan.

“Nakatulong po sa motivation iyong muntik na hindi kami mapasama sa de­legation. Kaya very happy, overwhelming at proud ako sa na­kuhang gold me­dals,” pahayag ng 16-anyos na si Su­peral.

Ang isa pang double-gold me­dal winner sa SEAG na si Archand Christian Bagsit (400m run individual at 4x400m relay) ay hindi nakadalo para personal na kunin ang P125K insentibo.

 

ALKHALDI

ARCHAND CHRISTIAN BAGSIT

ASIAN INDOOR-MARTIAL ARTS GAMES

ASIAN YOUTH GA

BALL CHAMPIONSHIP

GOLD

JASMINE AL

MYANMAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with