Pilipinas magiging punong abala sa 2 malaking volleyball event
MANILA, Philippines - Dalawang malalaking internasyonal na kompetisÂyon sa volleyball ang gagawin sa bansa sa taong ito.
Una na rito ay ang pagÂlarga ng Asian Men’s Club Volleyball Championship na itinakda sa Abril habang ang Asian Youth Girls’ Volleyball Championship ay gagawin sa Mayo.
Ayon kay Philippine Volleyball Federation (PVF) secretary-general Rustico “Otie†Camangian, ang daÂlawang hosting na ito ay mangyayari dahil sinusuportahan ang Pilipinas ng Asian Volleyball ConfedeÂration (AVC).
“Masuwerte tayo dahil ang AVC ay tumutulong sa atin para maitaas uli ang volleyball sa bansa. Mangyayari ito kung makakapaglaro ang ating mga players sa international tournaments kaya ibinigay ng AVC ang dalawang tournaments na ito,†wika ni Camangian.
Hindi naman mababakante ang women’s volleyball players dahil bubuo ang PVF ng pambansang koponan na ilalaban sa Asian Women’s Club Championship mula Hulyo 7 hanggang 15 sa Nakhonpathom, Thailand.
Isang malaking kumpanya na sumusuporta sa women’s volleyball ang sinasabing magpopondo sa delegasyon na gagamitin ang Asian Women’s bilang qualifying event para makalaro sa Asian Games sa Incheon, Korea.
- Latest