Ildefonso pinapirma ng Bolts
MANILA, Philippines - Magkakaroon pa ng pagkakataon si Danny Ildefonso na maipakita ang husay sa paglalaro sa 2013-14 PBA season nang kunin siya ng Meralco Bolts.
Ito lamang ang ikalaÂwang koponan na pagÂlalaruan ng 6’6 na si Ildefonso sa kanyang 16-taon sa liga at napapirma siya ng Bolts bilang isang unresÂtricted free agent matapos pakawalan ng Petron Blaze sa pagtatapos ng 2012-13 season.
Bago ang Petron, isiÂnuot muna ng dating National University center ang uniporme ng San Miguel Beerman na kung saan naÂpagwagian niya ang daÂlawang Most Valuable Player awards.
Sa edad na 37, nakikita ni Meralco coach Ryan Gregorio na palalakasin ni Ildefonso ang center slot at patitibayin niya ang imahe ng koponan gamit ang kanyang malawak na karanasan.
“I honestly believe that Danny I still has what it takes to compete at a high level in the PBA. He has been aching for teams to give him a venue to display what he has, and we are more than willing to provide him the platform,†ani Gregorio.
Noong 1998 pumasok sa PBA si Ildefonso nang kunin ng Shell bilang number one pick sa draft. Pero ipinagpalit siya sa San MiÂguel Beer para kay Noy Castillo at iba pang bagay tulad ng cash.
Hindi naman nagkamali ang Beermen dahil sa kanyang ikatlong taon ng paglalaro sa PBA ay nanalo siya ng MVP title noong 2000 at nagawa uli ito sa sumunod na taon upang maihanay kina William “Bogs†Adornado at Alvin Patrimonio bilang mga natatanging manlalaro na nakagawa nito.
May walong championship titles din si Ildefonso na isang 8-time PBA All-Star na nanalo ng All-Star Game MVP noong 2001.
Napasama rin siya sa Philippine team na nagÂlaro sa 2002 Busan Asian Games.
Sa huling taon sa Petron, siya ang nagdagdag sa kaalaman sa mga post moves ni 6’10 June Mar Fajardo na isa ngayon sa tinitingala sa hanay ng mga malalaking players sa pro league.
- Latest