^

PSN Palaro

2 venues sa Maldives para sa AFC Challenge Cup maihahanda--Jamaal

Olmin Leyba - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Minister of Youth and Sports ng Maldives na si Mohamed Maleeh Jamaal na maihahanda ng bansa ang dalawang stadiums na gagamitin para sa AFC Challenge Cup na sisimulan sa Mayo 19, 2014.

Sa panayam ng football website na maldivesoccer.com kay Jamaal, kanyang inihayag na sa unang linggo ng Enero sisimulan ang pagkumpuni sa gagamiting venues na national stadium sa Male at Seenu Atoll Hithadhoo zone stadium sa Addu City.

“The upgrading of the national stadium and the Zone stadium in the Addu City will start in the first week of Ja­nuary,” wika ni Jamaal.

Isang mataas na opisyales ng Asian Football Confe­deration ang bumisita sa nasabing bansa kamakailan para tingnan ang ginagawa para matiyak na matagumpay ang torneo

Ito na ang ika-limang edisyon ng Challenge Cup at walong bansa ang magtatagisan sa kompetisyon na matatapos sa Mayo 30. Ang Pilipinas ay kasali sa torneo matapos pangunahan ang Group E na ginawa sa Rizal Memorial Football Stadium.

Ang iba pang maglalaro bukod sa host country ay ang Afghanistan, Myanmar, Palestine, Laos, Kyrgyzstan at Turkmenistan.

Para palakasin ang masidhing hangarin na maisagawa sa kanilang bansa ang kompetisyon, ang Maldives ay nagbabalak na kunin din ang karapatang tumayo bilang punong-abala sa AFC Challenge Cup draw ceremony.

Naunang idineklara ang Pilipinas bilang stand-by host sakaling walang magandang makita ang AFC sa preparasyon ng Maldives sa Challenge Cup.

 

ADDU CITY

ANG PILIPINAS

ASIAN FOOTBALL CONFE

CHALLENGE CUP

GROUP E

JAMAAL

MALDIVES

MINISTER OF YOUTH AND SPORTS

MOHAMED MALEEH JAMAAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with