^

PSN Palaro

Baseball, softball pag-iisahin na lang

The Philippine Star

MANILA, Philippines - May posibilidad na isa na lang ang mamuno sa baseball at softball sa Pilipinas tulad sa nangyayari sa international body.

Ang dalawang team sport ay parehong wala na sa mga events sa Olympics pero nagdesisyon na magsama ang dalawang dating magkahiwalay na pederasyon para mas lumakas ang apelang mabalik sa prestihiyosong kompetisyon sa mundo.

Si Jean Henri Lhulllier ang kasalukuyang pangulo ng softball sa bansa pero wala pang nakaupong pa­ngulo ang baseball matapos ang pagkamatay ng dating pinuno ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA) na si Hector Navasero.

“It will still depend on what will happen with baseball,” wika ni Jun Veloso, ang operations manager ng Amateur Softball Association of the Philippines (ASAPhil).

Sa ngayon ay may binuong transitory board upang mangasiwa sa pagrerebisa sa Constitution at By Laws ng PABA.

Ang mga baseball stakeholders ang nagbuklud-buklod para maayos ang baseball federation sa bansa na kakatawanin ng mga tunay na nagmamalasakit sa team sport na ito.

Ang POC ay kinikilala ang PABA bilang lehiti­mong asosasyon pero wala silang tinutukoy upang maging kinatawan ng NSA habang nirereporma ito.

Noong 2005 naalis ang baseball at softball sa Olympics.

Mahalaga ang maisaayos ang baseball federation dahil ang sport ay kasali sa 2014 Asina Games sa Incheon, Korea.

AMATEUR SOFTBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ASINA GAMES

BASEBALL

BY LAWS

HECTOR NAVASERO

INCHEON

JUN VELOSO

PHILIPPINE AMATEUR BASEBALL ASSOCIATION

SI JEAN HENRI LHULLLIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with