DALLAS--Hindi suÂmabÂlay si Danny Green para tuÂlungan ang San Antonio Spurs sa 116-109 panalo sa Dallas Mavericks noong Huwebes.
Pasok ang limang buslo sa 3-point line ni Green pati ang dalawang two-point field goal tungo sa 22 puntos pero gumana rin ang mga kamay nina Tim Duncan at Tony Parker upang lumpuhin ang kulang sa taong Mavericks.
Tumapos ang 7’1 na si Duncan tangan ang 21 puntos at 13 rebounds para sa kanyang ika-sampung double-double sa season at 768th sa career habang may 21 pa si Parker.
Si Dirk Nowitzki ay gumawa ng 25 habang 23 ang ibinigay ni Monta Ellis para sa Dallas na hindi nagamit ang serbisyo nina Samuel Dalembert at Brandan Wright na may sakit.
May siyam na puntos si Ellis sa pinakawalang 12-0 bomba upang dumikit ang home team sa 100-97, may 3:55 sa orasan.
Pero ibinagsak ni Duncan ang anim na sunod na puntos bago naispatan ang libre sa tres na si Green upang ilayo uli ang Spurs, 110-103.
Sa Houston, kinapitan ng Rockets ang matatag na laro sa fourth period nina James Harden at Jeremy Lin para kunin ang ikatlong panalo sa huling apat na laro sa Memphis Grizzlies, 100-92.
May pinagsamang 25 puntos sa huling yugto sina Harden at Lin at nadugtuÂngan ng Rockets ang 111-98 pangingibabaw sa San Antonio na nilaro sa araw ng Pasko.
Si Harden ang nanguna sa home team sa kanyang 27 puntos at pinawi niya ang 2-of-9 shooting sa pamamagitan ng 22-of-25 sa free throw line at may 9-of-11 siya sa huling 12 minuto ng laro.
Nagdagdag si Lin ng 18 puntos habang sina Terrence Jones at Chandler Parsons ay may 20 at 15 puntos.
May 11 rebounds at limang assists pa si Parsons para punuan ang di magandang ipinakita ni starting center Dwight HoÂward na may dalawang puntos at anim na rebounds lang.
Tinawagan siya ng kanyang ika-limang foul sa 7:52 ng ikatlong yugto at para ilabas siya at hindi na ibinalik pa sa bakbakan.