MIAMI--Ang tanging bagay na nakakapagpaÂalala kay LeBron James tuwing gabi ay basketball.
Siya ang sinasabing pinakamahusay na NBA player ngayon, habang hindi naman siya mismong humahanga sa kanyang sarili.
Kahit na sa taong 2013 ay nagdaos siya ng isang magarbong kasal, nakamit ang kanyang ikalawang sunod na NBA championship at ikaapat na MVP award, inaasam pa rin ng Miami Heat star ang ‘greatness’.
Hinirang si James bilang 2013 Male Athlete of the Year ng The AssociaÂted Press.
Siya ang pangatlong basketball player na naÂbigyan ng naturang award sapul noong 1931.
Nakakuha si James ng 31 sa 96 boto sa isinagawang poll ng mga news organizations para ungusan sina Peyton Manning (20) at Jimmie Johnson (7).
“I’m chasing something and it’s bigger than me as a basketball player,†sabi ni James sa AP.
Ang mga nakaraang winners ay sina Joe Louis, Jesse Owens, Muhammad Ali, Carl Lewis, Joe Montana, Tiger Woods at Michael Phelps.
Si Serena Williams ay kinilala namang AP Female Athlete of the Year.
Nakasama ni James sina Michael Jordan at Larry Bird bilang mga NBA players na tumanggap ng nasabing award.
“I don’t think I’ve changed much this year,†sabi ni James. “I’ve just improved and continued to improve on being more than just as a basketball player. I’ve matured as a leader, as a father, as a husband, as a friend.â€
Sa 98 paglalaro ni James para sa Heat sa 2013, ang 78 dito ay ipinanalo ng Miami.