MANILA, Philippines - Magkakaroon uli ng pagkakataon ang mga mahihilig sa larong bilyar na masipat ang husay ng mga Filipino cue-artist laban sa mga bigating manlalaro ng mundo sa isang kompetisyon.
Sa pangunguna ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP) ay gagawin sa Pilipinas ang World vs Philippines billiards tournament sa Abril.
Ang Siyudad ng Quezon City ang tatayong punong-abaÂla sa kompetisyong itinakda mula Abril 25 hanggang 27.
“Ang World vs Philippines ay gagawin sa Abril 25 hanggang 27 sa Quezon City dahil tutulong ang local government ng QC at isang giant network. Kung sino ang darating para bumuo sa World ay iaanunsyo namin kapag kumpirmado na sila,†wika ni BMPAP founder at may-ari ng Bugsy Promotions Ceferino “Perry†Mariano.
Gagawin ng BMPAP ang torneo matapos ang matagumpay na paglalaro nina Dennis Orcollo, Carlo Biado at Rubilen Amit sa 27th Myanmar SEA Games.
Nanalo ng ginto sina Orcollo at Amit sa 10-ball habang sina Biado at Amit ay naghatid pa ng pilak sa 9-ball event.
Ang mga ito ay naglaro sa ilalim ng BSCP ngunit sila ay hiniram lamang sa BMPAP.
Hindi naman na makikigulo ang BMPAP sa liderato sa BSCP at ipinauubaya ang problema sa Philippine Olympic Committee (POC) na siyang may sakop sa mga NSAs.
Bukod sa World vs Philippines, balak din ng grupo ni Mariano ang magdaos ng Philippine Open para tumukoy ng mga bata pero mahuhusay na cue-artists na maaÂaring maipampalit sa kasalukuyang hanay ng manlalaro ng bansa.