^

PSN Palaro

World vs Philippines sasargo sa Abril

ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Magkakaroon uli ng pagkakataon ang mga mahihilig sa larong bilyar na masipat ang husay ng mga Filipino cue-artist laban sa mga bigating manlalaro ng mundo sa isang kompetisyon.

Sa pangunguna ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP) ay gagawin sa Pilipinas ang World vs Philippines billiards tournament sa Abril.

Ang Siyudad ng Quezon City ang tatayong punong-aba­la sa kompetisyong itinakda mula Abril 25 hanggang 27.

 â€œAng World vs Philippines ay gagawin sa Abril 25 hanggang 27 sa Quezon City dahil tutulong ang local government ng QC at isang giant network. Kung sino ang darating para bumuo sa World ay iaanunsyo namin kapag kumpirmado na sila,” wika ni BMPAP founder at may-ari ng Bugsy Promotions Ceferino “Perry” Mariano.

Gagawin ng BMPAP ang torneo matapos ang matagumpay na paglalaro nina Dennis Orcollo, Carlo Biado at Rubilen Amit sa 27th Myanmar SEA Games.

Nanalo ng ginto sina Orcollo at Amit sa 10-ball habang sina Biado at Amit ay naghatid pa ng pilak sa 9-ball event.

Ang mga ito ay naglaro sa ilalim ng BSCP ngunit sila ay hiniram lamang sa BMPAP.

Hindi naman na makikigulo ang BMPAP sa liderato sa BSCP at ipinauubaya ang problema sa Philippine Olympic Committee (POC) na siyang may sakop sa mga NSAs.

Bukod sa World vs Philippines, balak din ng grupo ni Mariano ang magdaos ng Philippine Open para tumukoy ng mga bata pero mahuhusay na cue-artists na maa­aring maipampalit sa kasalukuyang hanay ng manlalaro ng bansa.

ABRIL

ANG SIYUDAD

ANG WORLD

BILLIARDS MANAGERS AND PLAYERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BUGSY PROMOTIONS CEFERINO

CARLO BIADO

DENNIS ORCOLLO

MARIANO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with