^

PSN Palaro

Kongreso kikilos sa Incentives Act

ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mas malaking benepis­yo ang posibleng makuha ng mga mananalong Pambansang atleta sa 2014 Asian Games at 2016 Olym­pic Games.

Nasa Kongreso ang usapin para amyendahan ang Republic Act 9064 o mas kilala bilang Incentives Act at kasama rito ang pagtataas sa mga matatanggap ng mga mananalong atleta sa dalawang malalaking kompetisyon na nabanggit.

Itataas ng 25 percent ang insentibo para sa Asian Games medalist habang 50 percent naman ang dag­dag benepisyo sa mga magme­medalya sa Olympics Games na kung papalarin ay magkakaroon ng epektibo sa 2014 at 2016.

Ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia, puspusan na kumikilos si  House Committee on Youth And Sports Development chairman 1st District Davao del Norte Congressman Anthony del Rosario upang maipasa ang mga nakabinbin na batas sa 2014.

“Its now moving fast under the leadership of Congressman Del Rosario. Kasama na sa tinatalakay ay ang monetary bills for sports,” wika ni Garcia.

Sa kasalukuyang Incentives Act, ang mga gold medalist sa Asian Games ay tatanggap ng P1 mil­                                            yon habang P5 milyon ang mapupunta sa Olympic gold medalist.

Kung papasa ang inamyendahang batas, nasa P1.25 milyon ang bawat ginto habang P6.25M ang sa Olympic Games gold medalist.

Naniniwala si Garcia na napapanahon nang itaas ang benepisyo dahil ang RA 9064 ay naipasa noon pang 2001.

“Kahit ang P10,000.00 na insentibo para sa SEA Games bronze medalist ay masyado ng mababa,” ani pa ni Garcia.

Naniniwala pa si Garcia na kung maipapasa ang batas sa papasok na taon ay mas lalong gaganahan ang pambansang atleta para lumakas ang hangarin ng bansa na makamit ang kauna-unahang gintong medalya sa Olympics sa Rio de Janiero, Brazil.

ASIAN GAMES

CONGRESSMAN DEL ROSARIO

DISTRICT DAVAO

GAMES

GARCIA

HOUSE COMMITTEE

INCENTIVES ACT

NANINIWALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with