Sweep sa 76 UAAP men’s football nagpaparamdam sa Tamaraws
MANILA, Philippines - Matapos ang first round ay nagbabadya ang FEU na dominahin ang Season 76 UAAP men’s football habang naghihintay sa tabi ang UP na handang sagpangin ang mga nasa itaas para ibangon ang sarili.
Winalis ng Tamaraws ang anim na laro sa first round para makalikom ng perfect 18 puntos at ang koponan ay ibinabandera ni fourth year striker Jesus Melliza sa kanyang limang goals.
Ang huling koponan na tinalo ng Tamaraws ay ang La Salle, 3-1, para magkaroon ng siyam na puntos.
Kasalo ng Archers ang Maroons sa 9 puntos at sinandalan ng huli ang tatlong sunod na panalo na nagbangon sa koponan mula sa magkasunod na pagkatalo sa kamay ng UE at La Salle.
Sa paghusay ni Jinggoy Valyamor, hindi pinapuntos ng Maroons ang NU (2-0), nagdedepensang kampeon Ateneo (1-0) at UST (4-0).
Sa kabilang banda, ang Eagles ay nagha hanap pa sa kanilang porma matapos mapilayan nang nawala ang pambatong goalie na si Nick O’Donnel bunga ng academics.
Dahil humina ang depensa, ang Ateneo ay may tangan lamang na apat na puntos sa 1-1-4 baraha.
Ang Red Warriors ay nasa ikalawang puwesto bitbit ang 10 puntos at ang magandang panimula ay dahil na rin sa matikas na paglalaro ni midfielder Fitch Arboleda.
Hanap ng UE na waÂkasan ang 11 taon na hindi nakakatikim ng titulo sa UAAP dahil ang huling koÂÂrona sa men’s football ay nangyari noon pang 2002-03 season.
Ang UST ay nasa ikalimang puwesto sa pitong puntos (7-2-1).
Magpapatuloy ang aksyon sa Enero 9 sa FEU-Diliman pitch at ito ay katatampukan ng pagkikita ng Ateneo at UE sa ganap na ika-10 ng umaga bago sundan ng laro ng NU at UP sa ganap na ika-1 ng hapon at UST at La Salle dakong alas-3.
- Latest