^

PSN Palaro

Opening ng ABL iniurong sa Hulyo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniurong ng ASEAN Bas­ketball League (ABL) ang pagsisimula ng 2014 season sa Hulyo.

Ang liga ay dapat magsimula ng ika-limang season ngayong Enero pero tila binibigyan nila ng pagkakataon ang sinusuyong koponan mula Pilipinas na makapag-isip-isip.

Ang San Miguel Beermen na nanalo sa Indonesia Warriors noong nakaraang season ay hindi na babalik  matapos pahintulutan ang mga manlalaro na sumama na sa ibang PBA at PBA D-League teams.

Ang grupo ni Manny V. Pangilinan ay napabalita na interesado na magpasok ng koponan at nagkaroon na rin ng exploratory talks sa hanay ng ABL officials.

Ngunit wala pa ring linaw ang bagay na ito lalo pa’t abala sila sa mga kanilang PBA teams na Talk ‘N Text at Meralco.

Niligawan din ang Cebuana Lhuillier pero abala rin ito sa kampanya sa PBA D-League.

Sa opisyal na pahayag ng ABL, kanilang tinuran na ang pagpapaliban ng opening sa Hulyo ay upang bigyan matukoy ang mga koponang puwedeng su­mali sa bagong season.

“A start in July will allow the ABL to better identify, confirm and prepare income teams for competition. Additionally, we would like to avoid conflict with planned major events like SEA Games in 2015, which will be held in Singapore in early June,” pahayag ni ABL Chief Operating Officer (COO) Ridi Djajakusuma.

Ang Pilipinas ay isa sa anim na bansa na nagbukas sa ABL noong 2009 sa pamamagitan ng Philippine Patriots na suportado ng Harbour Centre ni Mikee Romero.

Nanalo rin ang nasa­bing koponan ng titulo ma­tapos talunin ang Satria Muda BritAma.

Noong 2012 ay puma­sok ang San Miguel Beermen upang gawing dalawa ang koponan mula Pilipinas ngunit bigo ang Beermen at Patriots na mapanalunan ang kampeonato nang nag­wagi ang Indonesia War­riors.

Noong 2013, umalis na ang Patriots at naiwan ang Beermen na binawian ang Warrios sa Finals tungo sa titulo.

Ang naunang pioneer country na hindi na nagpa­tuloy ng pagsali matapos ang dalawang season ay ang Brunei.

 

ANG PILIPINAS

ANG SAN MIGUEL BEERMEN

BEERMEN

CEBUANA LHUILLIER

CHIEF OPERATING OFFICER

D-LEAGUE

HARBOUR CENTRE

HULYO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with