Goodbye Myanmar; Welcome Singapore
NAY PYI TAW--Tulad ng opening ceremonies, naÂging makulay din ang pagtatanghal sa pagsasara ng tabing sa 27th SEA Games sa Nay Pyi Taw, Myanmar noong Linggo ng gabi.
Inaliw ang mga natirang manlalaro at opisyales mula sa 10 bisitang bansa ng saÂyaw at awitin na nagpapakilala sa kultura ng Myanmar.
Tampok sa seremonya ang paglipat ng SEA Games flag mula sa Myanmar tuÂngo sa Singapore na siyang magiging punong-abala sa 2015 edisyon.
Ang Pilipinas na tumapos sa pinakamasamang ika-pitong puwesto bitbit ang 29 ginto, 34 pilak at 38 bronze medals ay kinatawan ng mga manlalaro mula taekwondo, judo at muay na siyang huling aalis sa Athletes Village.
Bukod sa matagumpay na hosting, produktibo rin ang kampanya ng kanilang manlalaro matapos pumaÂngalawa sa pangkalahatan bitbit ang 86 ginto, 62 pilak at 85 bronze medals.
Nakatuwang ng host country ang China na naglabas ng pera para ipantustos sa pagpapagawa ng makaÂbagong sports complex.
Inabot ng $300 milyon ang tulong ng China na nagbigay din ng suporta sa pagsasanay ng kanilang manlalaro na nagsimula matapos ang 2011 Indonesia SEA Games.
Ang Thailand ang lumabas bilang overall champion sa nakalap na 107 ginto, 94 pilak at 81 bronze medals.
Ito ang ika-anim na overall title ng Thailand mula 1977 nang tinawag na South East Asian Games ang dating South East Asian Peninsular Games.
Ito rin ang ikatlong pagkakataon na mahigit sa 100 ginto ang napanalunan ng Thais ngunit ang unang dalawang pagkakataon ay nangyari noong ang laro ay ginawa sa kanilang lugar na 1995 Chiang Mai (157) at 2007 Nakhon Rachasima (187).
Ang Vietnam ang pumaÂngatlo sa 73-86-86 bago sumunod ang napatalsik na overall defending champion Indonesia (65-84-111), Malaysia (43-38-77) at Singapore (34-29-45) sa ikaÂapat hanggang anim na puÂwesto.
- Latest