Stags Charity Run kasado na sa Enero 12
MANILA, Philippines - Pangungunahan uli ng San Sebastian College-Recoletos Manila ang Stags Charity Run sa Enero 12, 2014 sa ASEAANA sa Parañaque.
Hindi bababa sa 4,000 runners ang inaasahang sasali sa pakarera na gagawin sa tatlong kategorya at ang layunin ng patakbo na may temang “Greatness Awaits One Who Recollects†ay makakuha ng pondo na igugugol sa iba’t-ibang charitable mission na nasa pangangalaga ng Order of Augustinian Recollects (OAR).
Ang taunang Stags Run ay ginagamit din bilang tampok na selebrasyon sa pagkakatatag ng SSC-R Manila na sa papasok na taon ay nasa ika-73rd taon na.
Ito ang ikaapat na sunod na taon na gagawin ang Stags Run at sa unang taon noong 2011, ito ay para sa missionary works ng OAR sa Sierra Leone, Africa at sa Cascian Island sa Palawan.
Noong 2012 ay ginawa ito para sa Takbo Para sa Edu-Mission habang noong nakaraang taon ay tinawag ito bilang Takbo Para sa Bokasyon.
May 4000 runners ang nakiisa noong nakaraang taon at naniniwala ang mga organizers na nasa ganito ring bilang o higit pa ang sasali.
Sa mga distansyang 3, 5k at 10k ang magaganap na karera at ang registration fee ay nasa P500.00.
Ang mga nais na sumali ay maaring makipag-ugnayan kay Grace Ac-Ac/Jaivie del Socorro/Mafe Vida sa Corporate Communications Department ng SSC-R Manila sa mga teleponong (02) 7348931 loc. 216/204 o sa website na www.sscrmnl.edu.ph <http://www.sscrmnl.edu.ph/> .
- Latest