Marcos, Nava gustong labanan uli ni Julaton
MANILA, Philippines - Handa si dating two-time world female super bantamweight queen Ana (Hurricane) Julaton na labanan sa kani-kanilang balwarte sina world champions Yesica Marcos ng Argentina at Jackie Nava ng Mexico.
Ayon sa trainer ni JulaÂton na si Angelo Reyes, hindi dapat matakot sina Marcos at Nava sa Fil-Am kung tunay silang mga kamÂÂpeon.
Humulagpos kay Julaton ang kanyang WBO 122-pound crown nang matalo kay Marcos sa isang unanimous 10-round decision sa Mendoza, Argentina noong nakaraang taon.
Hindi pa lumalaban si Marcos sa labas ng Argentina at nagposte ng 22-0-2 record, kasama rito ang 7 KOs.
Bumiyahe si Julaton sa Mendoza, Argentina para itaya ang kanyang korona laban kay Marcos kung saan siya natalo.
Matapos talunin si Julaton, inangkin naman ni Marcos ang WBA crown na binakante ni Nava matapos manganak.
Napanatili ni Marcos ang kanyang WBA title nang biguin si Colombian Angela Marciales dalawang linggo na ang nakakalipas.
“Yesica fought a terrible opponent and won easily,†sabi ni Reyes. “It’s silly to believe that was acÂtually sanctioned as a WBA world title defense. In the meantime, Ana, who is ranked No. 3 by the IBF at 122 pounds, fought Perla Hernandez, ranked No. 10 at 126, in a 10-round non-title fight. Yesica’s fight showed how frightened she is, that she isn’t willing to do the right thing and give Ana a rematch.â€
Idinagdag pa ni Reyes na handa si Julaton na labanan si Marcos sa Mendoza, Argentina para sa isang rematch.
“Let’s hope the people of Mendoza realize Yesica is not a real champion if she continues to fight terrible opposition,†ani Reyes.
- Latest