^

PSN Palaro

Zoleta gold sa Malaysia netfest

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapos ni Amanda Gabrielle “Gaby” Zoleta ang magandang taon sa tennis matapos manalo ng ginto sa  Malaysia Tennis Circuit kamakailan sa Selangor-Genting International Junior Open Tennis Championships.

Tinalo ng 10-taon na si Zoleta si Nur Irdina Mohd Rosdi ng Sarawak, 4-1, 4-0, para sa tagumpay.

Anim na laro lamang ang naisuko ni Zoleta sa kompetisyon at napasok niya ang finals matapos manalo kina Eva Norizam ng Johor Baru, 4-0, 4-0; second seed Nadia Yasmin ng Selangor, 4-2, 4-0; at Brigita, 4-1, 4-2.

May bronze medal din si Zoleta sa doubles kasama si Bahar Toymyradova.

Ito na ang ikaapat na torneo sa Malaysia ni Zoleta at kumuha rin siya ng tatlong pilak at isang bronze medals.

Katuwang si Rosdi, pumangalawa sila ni Zoleta sa Penang International Junior Championships, Langkawi Geopark International Age-Group at Perlis Milo International Junior Championships doubles.

Naka-bronze medal pa ang mag-aaral ng Bristol Integrated School sa singles ng Perlis tournament.

Kahit sa local tournaments ay maganda ang ipinakita ni Zoleta nang pumalo ito ng pitong panalo, kasama ang tagumpay sa 10-Unisex sa Lucena City National age-group tournament at Cebuana Lhuillier sa Parañaque.

Kampeon din ang tubong Lucena City netter sa 10-U at 12-U sa Milo Clark Angeles age-group sa Pampanga at sa 10-U sa Cebuana Lhuillier San Pablo City leg.

Bukod ito sa dalawang 10-U doubles titles sa San Pablo City at sa 1st Philta Boy Leonora Cup sa Rizal Memorial Tennis Center. 

 

AMANDA GABRIELLE

BAHAR TOYMYRADOVA

BRISTOL INTEGRATED SCHOOL

CEBUANA LHUILLIER

CEBUANA LHUILLIER SAN PABLO CITY

EVA NORIZAM

JOHOR BARU

LANGKAWI GEOPARK INTERNATIONAL AGE-GROUP

LUCENA CITY

ZOLETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with