^

PSN Palaro

Sipag at tiyaga ni Ramirez nagbunga ng ginto

Pilipino Star Ngayon

NAY PYI TAW--Nagbunga ang pagtitiyaga sa pagsasanay ni ju­doka Gilbert Ramirez para makuha ang kanyang ikatlong ginto sa SEA Games.

Noong 2003 sa Hanoi at 2005 sa Manila SEA Games kuminang si Ramirez upang paniwalaang magtatagal ang kanyang paghahari sa men’s -73kg division.

Ngunit nagkaroon siya ng injury noong 2007 sa Thailand at nagkaroon lamang ng bronze medals noong 2009 Laos at 2011 Indonesia Games.

“Akala ko talaga tapos na ako. Kaya nagsipag talaga ako sa ensayo namin,” wika ni Ramirez.

Sa Japan nagsanay ang mga judokas at pinili niyang makaensayo ang mga mas malalaking katunggali para mapuwersa siyang ilabas ang nalalaman.

“Maganda naman ang naging resulta. Atleast may natitira pa pala akong lakas,” dagdag nito.

Kaya nang sumalang na siya sa Myanmar SEA Games ay buo ang kanyang loob at may tiwalang kaya niyang gapiin ang sinumang makakatapat sa laban para makuha ang gintong medalya.

Sa panalong ito, naniniwala pa si Ramirez na makakatulong ito para sumigla ang judo sa bansa.

Sa pansariling benepis­yo, makakatulong ito para lalo siyang magsumikap para bigyan pa ng kara­ngalan ang bansa sa mga darating na malalaking kompetisyon sa labas ng bansa.

vuukle comment

ATLEAST

GILBERT RAMIREZ

INDONESIA GAMES

KAYA

MAGANDA

MYANMAR

NAGBUNGA

RAMIREZ

SA JAPAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with