International Gamefowl Festival kasado na
MANILA, Philippines - Magsasama-sama ang mga batikang Gamefowl breeders at mga supporters sa isasagawang 1st International Gamefowl Festival sa Enero sa SMX Convention Center, Pasay City.
Nagdesisyon ang mga taong nasa likod ng pag-unlad ng Gamefowl (saÂbong) sa bansa na gawin ang festival dahil sa lumaÂlaking bilang ng mga taong nasa sport na ito at matutunghayan sa kaganapang mula Enero 17 hanggang 19 ang mga libreng seminars, display ng mga produkto at mga aktibidades para sa kababaihan at mga batang maaaring isama ng mga gustong makiisa sa kaganapan.
“Naisipan namin na gawin itong kauna-unaÂhang Gamefowl Festival para mabigyan ng dagdag kaalaman ang mga baguÂhang breeders mula sa mga beterano. Gusto rin naÂming ipakita sa publiko ang industriya at gawin itong wholesome activity para sa lahat ng kasapi ng pamilya,†wika ni Michelle Ballesteros, ang project director ng pestibal sa pormal na paglulunsad nito sa Bayanihan Center Annex, Pioneer St., Unilab Compound, Kapitolyo, Pasig City.
Dumalo rin ang mga tiniÂtingala sa industriya na sina Joey Sy, Nestor Vendivil, Dr. Martin Antonio Ladioray, Arnel Anonuevo at Francis Ong na siyang brand manager ng Thunderbird.
“Ang lahat ng mga enÂdorÂsers ng Thunderbird ay dadalo para ipamahagi ang kanilang kaalaman sa pagbi-breeding ng panabong na manok. Suportado ng Thunderbird ang proyekto dahil malaki ang maitutulong nito para tumaas pa ang lebel ng Gamefowl industriya na sa tantiya namin ay isang P80 bilyon industry sa Pilipinas,†wika ni Ong.
Bukod sa mga local breeders ay darating din ang mga bigating dayuhan para magbigay seminar.
Bukod sa Thunderbird na hindi lamang kilala sa Pilipinas kungdi sa ibang bansa na rin, sumusuporta rin ang Lakpue Drug Inc., ProgressiveE, Vetmate Farmcord, Refamed at Ambertronics Marketing.
- Latest