Huling SEAG na ni Quillotes
MANILA, Philippines - Matapos mabigo sa hangaring ikatlong sunod na ginto sa judo sa SEA Games ay nagdesisyon na si Nancy Quillotes-Lucero na iwanan na ang sport para magkaroon ng sariling pamilya.
“This is my last SEA Games. I’ll be turning 34 sa February 21 kaya it’s about time to focus sa pamilya at magkaroon ng anak,†wika ni Quillotes-Lucero.
Ang tumapos sa pagre-reyna si Quillotes-Lucerao sa minus 45kg ay ang Myanmar bet na si Sel Wee.
Ininda ng pambato ng Pilipinas ang penalty na itinawag sa kanya ng Chinese referee sa unang minuto ng laban na nagbigay kumpiyansa sa host fight at nakasira sa diskarte ni Quillotes-Lucero.
“Na-surprise rin ako kung bakit na-penalty ako gayong defensive posture lang siya. Sa kabuan ng laban, ako ang aggressor at nahila ko pa nga siya pero hindi ko lang naitapon,†pagbabalik-tanaw niya sa laban.
Masakit man ay tinanggap na ni Quillotes-Lucero ang pangyayari at ipinagpasa-Diyos na lamang ang bagay na ito.
“It’s God’s will, move on na. I know the Lord has something much better for me. I ‘ve long ago put all my trust in Him, my fate is in
His hands,†dagdag ni Quillotes-Lucero.
Matibay ang panaÂnalig niya sa Itaas matapos maÂkaligtas ang kanyang pamilÂya sa hagupit ng super typhoon Yolanda.
Ang kanyang pamilya at napangasawang si Jyd ay taga-Dulag, Leyte at nabura ang bahay nila dahil sa bagyo.
Ngunit wala namang nadisgrasya sa mga mahal sa buhay.
- Latest