4-sunod sasakyan ng B-Pier vs Mixers
MANILA, Philippines - Sa likod ng kanilang three-game winning streak, pupuntiryahin ng Batang Pier ang kanilang ikaapat na sunod na panalo.
Lalabanan ng mainit na Globalport ang San Mig Coffee ngayong alas-8 ng gabi matapos ang banggaan ng three-time defenÂding champions na Talk ‘N Text at bumubulusok na Barako Bull sa alas-5:45 ng hapon sa Philipine Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang tatlong huling tinalo ng Batang Pier ay ang Meralco Bolts, 93-89, Rain or Shine Elasto Painters, 90-88, at ang Alaska Aces, 94-84.
Ayon kay rookie coach Ritchie Ticzon, ang magandang samahan ng Batang Pier ang isa sa mga dahilan ng kanilang arangkada.
“Iyong jelling namin--it’s just a matter of time. Hinihintay lang naming makapag-jell ‘yung team, magsama-sama ng mas matagal,†wika ni Ticzon sa Globalport.
Nanggaling naman ang Mixers sa 90-88 pagtakas sa Energy kung saan humugot si Marc Pingris ng 13 sa kanyang 16 points sa fourth quarter noong Disyembre 17.
Sa unang laro, target naman ng Tropang Texters ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa Energy, nasa isang five-game losing slump matapos ang 2-0 panimula.
- Latest