^

PSN Palaro

Phl palaban sa No. 6 3 ginto uli ang sinikwat

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humabol pa ang quartet na sina Isidro del Prado Jr.,  Edgardo Alejan, Julius Nierras at Archand Christian Bagsit ng isa pang gintong medalya sa  pagtatapos ng athletics competition habang ang Fil-Am na si Danny Caluag at taekwondo jin Jade Safra ay nanalo rin sa 27th SEA Games kahapon sa iba’t-ibang palaruan sa Nay Phi Taw, Myanmar.

Sa tatlong ginto na ito, ang Pilipinas ay mayroon ng 23 ginto bukod pa sa 27 pilak at 30 bronze me­dal at nakadikit pa sila sa pumapang-anim  na Singapore sa dalawang ginto sa kanilang 25 ginto, 24 pilak at 32 bronze medals.

Hindi bumigay ang 4-x-400m men’s team sa hamong hatid ng Thailand nang sina Del Prado Jr., Alejan, Nierras at Bagsit ay naorasan ng tatlong minuto at 9.32 segundo laban sa 3:09.81 ng Thais.

Sa kabuuan, ang athletics team ay nanalo ng anim na ginto upang lumabas na most-bemedalled delegation ng Pilipinas sa kompetisyong ito.

Hindi naman ipinahiya ni Caluag ang sarili bilang patok sa ginto sa BMX com­petition na ginawa sa Mount Pleasant Field nang talunin ang nakababatang kapatid na si Chris sa karera.

May 31.994 segundo si Danny laban sa 32.555 ni Chris para sa gold-silver medals ng Pilipinas.  Ang Indonesian rider na si Bagus Saputra ang pumangatlo sa 32.825 oras.

Paborito si Caluag matapos hirangin bilang natatanging Asian BMX rider na nakalahok sa 2012 London Olympics.

Matamis na ginto rin ang nakuha ni Zafra nang daigin niya ang nagdedepensang kampeon na si Worapong Pongpanit ng Thailand sa one-sided na 7-1 panalo sa women’s 53-57 kilogram division.

Nagpatuloy naman ang kamalasan sa naunang inasahang judo team nang si Helen Dawa ay nakontento lamang sa pilak sa women’s minus 48kg at si Bryn Quillotes ay nakakuha lamang ng bronze medal sa men’s -60kg.

Malaki pa ang tsansa ng Pilipinas na maabutan ang Singapore dahil tatlong Muay artists na sina Jonathan Polosan, Presciosa Ocaya at Philip Delarmino ay nasa Finals na gagawin ngayon habang ang  womens World 10-ball champion na si Rubilen Amit ay umabante rin sa quarterfinals.

May 80 ginto bukod sa 79 pilak at 66 bronze medals ang Thailand para lumayo pa sa unang puwesto habang ang Vietnam ang pumapangalawa pa rin sa 64-60-69 medal tally kasunod ng host Myanmar sa 60-51-56.

Ang Indonesia ang nasa ikaapat na puwesto sa 54-62-84 habang ang Malaysia ang nasa ika-lima sa 32-33-63 medal tally.

vuukle comment

ANG INDONESIA

ANG INDONESIAN

ARCHAND CHRISTIAN BAGSIT

BAGUS SAPUTRA

BRYN QUILLOTES

CALUAG

CHRIS

GINTO

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with