^

PSN Palaro

PCCr wagi sa AMAC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabagsak  ng Philippine College of Criminology ang mahigpit na katungga­ling AMA  Computer Uni­versity, 85-74, upang ma­­panatili ang kanilang perfect record habang naungusan ng Diliman  Computer Technology  Institute ang Colegio de San Lorenzo, 64-58, sa sixth Universities and Colleges  of Luzon Athletic Association  (UCLAA) basketball tournament sa San Andres gym sa Malate, Manila.

 Humugot si Jose Mandano ng game-high  30 puntos upang pangunahan ang Panthers sa league-best record na pitong sunod na panalo sa parehas na bilang na laro.

 Sina Discipulo at Macaranas ay nagsanib pwersa sa 35 puntos para sa Mark Hererra-mentored Titans, na bumagsak sa 5-2 karta..

 Ang DCTI  ay sumandal sa balanseng firepower mula sa kanilang matitikas na manlalaro upang  gulatin ang  San  Lorenzo sa isang  kapanapanabik na labanan upang  mag improve sa  3-1.

Samantala, ang defen­ding champion  St. Francis College ay namayani laban sa PNTC Colleges, 104-79, upang makamit ang kanilang ika-apat na panalo sa anim na laro.

Sa junior division match, nanaig ang AMA laban sa dating walang bahid na PCCr, 79-76, para umakyat sa 3-1.

COMPUTER TECHNOLOGY

COMPUTER UNI

JOSE MANDANO

LUZON ATHLETIC ASSOCIATION

MARK HERERRA

PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY

SAN ANDRES

SAN LORENZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with