Barriga magbabakasyon muna kasama ang pamilya
MANILA, Philippines - Panandaliang bakasyon kasama ang kanyang pamilya ang nais gawin ni Mark Anthony Barriga na nanalo ng ginto men’s boxing sa 27th Myanmar SEA Games.
Isang buwan namalagi ang 20-anyos na si Barriga sa Italy (Nobyembre) para sa World Series of Boxing bago dumiretso sa Myanmar para sa SEA Games na kung saan nagkampeon siya sa light flyweight division.
“Kailangan ko munang umuwi wala na kasi akong time sa family ko. Mga ten days lang naman dahil JaÂnuary kailangan kong bumalik uli sa Italy,†ani BarÂriga.
Tinalo ng tubong Panabo City si Konelis Langu ng Indonesia sa pamamagitan ng one-sided 30-27, 30-27, 30-27, iskor.
“Ang ganda talaga ng laro ko sa finals. Noong first two bouts ko hindi ako kumportable dahil inaantok ako dahil sa jetlag. Pero sa finals, doon talaga lumabas ang laro ko,†pahayag nito.
Lalaro muna si Barriga sa AFP Olympics na gagawin mula ngayon hanggang bukas bilang kasapi ng Philippine Air Force at sa Disyembre 22 ay balak na niyang umuwi sa kanyang pamilya.
Kailangan niyang magpahinga lalo pa’t tinamaan ang kanyang ilong sa laban kontra kay Langu.
“Tumabingi siya dahil last 10 seconds ang pulsuhan niya ang tumama sa ilong ko at napaiyak taÂlaga ako sa sakit. Balak kong ipa-x-ray ito at kung may problema, hihingiin ko na huwag muna akong lumaban sa WSB,†ani pa Barriga.
Limang buwan pa ang kontrata ni Barriga sa Italy Thunder at ang maÂkukuhang karanasan ay magagamit niya sa pagÂhahanda para sa Asian Games sa Korea sa papasok na taon.
- Latest