P83K ibibigay ni Douthit sa Yolanda
MANILA, Philippines - Kagaya ng kanyang ipinangako, magbibigay si naturalized player Marcus Douthit ng P 83,500 sa relief efforts para sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’ makaraan ang dominasyon ng Philippine men’s basketball team sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar.
Bago magtungo sa Myanmar ay sinabi ng 6-foot-11 center na magbibigay siya ng P500 sa baÂwat puntos na kanyang maitatala sa 2013 SEA Games.
“I think my total donation was P43,000 leading up to the last game, and then I just donated another P500 per point for the whole team and not just me,†ani Douthit.
Sa kanyang sumunod na pahayag sa kanyang Twitter account ay sinabi ng naruralized center na magdo-donate sya ng P83,500 para sa relief efforts.
Winalis ng Nationals ang lahat ng kanilang anim na laro, kabilang na ang 84-56 paglampaso sa Malaysia sa kanilang huling asignatura, para angkinin ang pang-16 men’s basketball gold medal ng bansa sa SEA Games.
- Latest