Saan nagkulang?
Mainit na talakayan ngayon ang pagkamatay ng batang boksingero na si Jonas Joshua Garcia.
Isang estudyante si Jonas sa San Miguel, Bulacan. Nung isang linggo ay lumahok siya sa Central Luzon Athletic Association Championship sa Iba, Zambales.
Umakyat ng ring si Jonas para sa isang laban. Sa unang round pa lang ay dumugo ang kanyang ilong pero binigyan ng pagkakataon na magpatuloy.
Sa second round umangal siya ng pagkahilo at dito na itinigil ng referee and laban. Hindi maganda ang mga sensayales kaya dinala siya sa ospital.
Nawalan na ng malay si Jonas at naging comatose. Matapos ang anim na araw, pumanaw na siya nung Linggo.
Labing-anim na taong gulang pa lang si Jonas.
Isang buhay na naman ang nasayang sa loob ng boxing ring. Madalas mangyari ang ganitong trahedya sa professional boxing pero hindi sa amateur tournament gaya nito.
Hindi natin alam kung ano ang kayang abutin ni Jonas. Hindi natin alam kung ano ang lahat ng kanyang pangarap sa buhay.
Maraming tanong tuloy ang umusbong.
Nagkulang na ang mga tournament officials na siguraduhing hindi napahamak ng husto si Jonas? Lubos ba ang kanyang ensayo para isabak sa isang laban?
Mahirap sabihin pero maaaring pareho ang naging dahilan ng sakuna
May mga mungkahi tuloy ngayon na itigil na ang boxing sa mga tournaments na dinadaluhan ng mga batang estudÂyante.
Mukhang sang-ayon ang iba. Pero mahaba-habang usapan ito baka mangyari.
Nakikiramay tayong lahat sa pamilya ni Jonas.
- Latest