^

PSN Palaro

Sabido kumpiyansa na makuha ang gold sa poomsae

Pilipino Star Ngayon

NAY PYI TAW --Isang ma­lakas na laban at isang gold medal finish.

Ito ang nakikita ni poom­sae coach John Pierre Sabido bago ang pagsisimula ngayon ng taekwondo competitions sa 27th Southeast Asian Games sa Wunna Theikdi Indoor Stadium.

Sinabi ni Sabido, iginiya ang gold medal-winning men’s team noong 2009 Laos SEA Games, na hindi malayong makamit nila ang gintong medalya dahil ang kanyang mga atleta ay nasa “best shape of their careers.”

Ang mga Filipino ay lalahok lamang sa tatlo sa limang poomsae events.

Ito ay ang men’s team, women’s team at men’s individual categories.

“The team is prepared and the players’ spirits are high,” wika ng 30-anyos na si Sabido.

Sasama ang 16-an­yos na si Rinna Babanto kina Janice Lagman at Rani Ortega na inaasahang mag­papalakas sa women’s team matapos ang back-to-back win sa mga nakaraang biennial Games.

Ayon kay Sabido, ba­ga­ma’t nabigo ang koponan na manalo ng medalya sa nakaraang World Cup, handa naman ang mga itong bumawi, lalo na si Babanto na pumalit kay Camille Alarilla, iniwan ang tropa para sa kanyang degree sa Law.

Ang men’s team ay binubuo nina Djustin at Raphael Mella at Vidal Marvin Gabriel.

CAMILLE ALARILLA

JANICE LAGMAN

JOHN PIERRE SABIDO

RANI ORTEGA

RAPHAEL MELLA

RINNA BABANTO

SABIDO

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with